作詞 : Marc Silva
作曲 : Marc Silva
Paliwanag mo sa akin sa ilalim ng buwan
Init sa gabing sabay nating sinindihan
Bakit pagdating sa ‘yo hindi mahindian
‘Di man kita inabutan, basta 'di ka duguan
Basta ang alam ko lang, alam ko na mali ‘to
Umiikot lang sa tama, doon tayo nahihilo
Ihuhulog sa balon, 'yong natitira kong piso
Kahilingan sa ngayon, mapunta sa paraiso
Basta ba nakangiti, ipasa mo sa akin
Liliparin kita nang 'di nagpatangay sa hangin
Ramdam ko 'yong gaan, kapag ikaw na ang pasanin
Sa oras na natira, ikaw 'yong 'di ko sasayangin
Pero kalma lang, kakantahan kita
Sulat makikita, basahin aking mata
Pwede ba 'kong magtanong ba't mo 'to pinapadama
Lisanin natin ang mundo tapos sagot ay tayo na
Halika na kumapit tapos sumakay ka lang (sumakay ka lang)
Abutin natin ang langit
Sa 'kin sumabay ka lang
Ibuga natin sa hangin pagkatapos sindihan
Sabay tayong ngingiti sa dulo ng kaulapan
Basta sumakay na lang, sumabay ka lang, sa 'kin sumakay na lang
Halos sagot ka na sa bakit, kung bakit ko natanong
Regalo samakatuwid ay lumabas ka sa kahon
'Di mo nais magtakong o magpabitin sa puson
Medyo nahulog sa rason na may kupas na pantalon
Sumasabay sa alulong dis-oras ‘pag nag-ululan
Parehas tayong ulupong, ‘pag nalasing may banatan
Tiyaga na sa kaning tutong, handa na sa 'ting kainan
At maaaring ibulong nang 'di na magparinigan
Pa’no ko tutumbasan tila perpektong halimbawa
Pinto ay binuksan, pumasok ka bilang biyaya
Lingid sa kaalaman at humigit na sa akala
Pwede bang pakasalan nang lumuhod na ‘ko sa tala
Sa daan na palapit sa paraang 'di mo tiyak
Ay masasabing kasiyahan ko ang iyong pag-iyak
'Di na para magtanong kung bakit naging masaya
Nilisan namin ang mundo at 'yong sagot ay kami na
Halika na kumapit tapos sumakay ka lang (sumakay ka lang)
Abutin natin ang langit
Sa 'kin sumabay ka lang
Ibuga natin sa hangin pagkatapos sindihan
Sabay tayong ngingiti sa dulo ng kaulapan
Basta sumakay na lang, sumabay ka lang, sa 'kin sumakay na lang
Basta sumakay na lang
Basta sumakay ka lang